TY - BOOK AU - Palompon, Lakay AU - Martin, Marlon M. AU - Lopez, Louise O. TI - Alim: walun hathat ni Alim = Ang unang walong awit ng Alim SN - 9789718143179 U1 - Fil./899.218103/Al45 PY - 2023/// CY - Manila PB - National Commission for Culture and the Arts KW - Folk songs, Ifugao KW - Translations into English KW - Translations into Filipino KW - Epic literature, Philippine KW - Rites and ceremonies KW - Philippines--Ifugao N1 - Mahigpit na kakabit ng ritwal ng relihiyong Baki ng Ifugao ang pag-awit sa epikong-bayan na Alim. Isinalaysay ng Alim ang masalimuot na pagmamahalan nina Umangal at Bugan. Pinaniniwalaan ng mga Ifugaw na totoong naganap ang mga ito sa nakalipas at umiral sa sinaunang panahon ng mga Ifugaw na mahigpit ang pagpapatupad sa mga kaugalian at batas sa kanilang lipunan. Taong 2012 nang awitin at isinalaysay ni Apo Palompon, itinuring na huling tunay na maestro ng Alim. Tanging ang mga manikom o pinakamataas na uri ng mumbaki na isa ring mun-allim o mang-aawit ng Alim ang gaganap bilang munhongo o pangunahing mang-aawit ng Alim. Itinatanghal ito sa mga kadangyan o mataas na uri. Sinulat ni Marlon M. Martin ang teksto mula sa alaala at isinalin ito sa Ingles. Lakip din sa aklat ang salin sa Filipino ni Louise O. Lopez. Binubuo ng tatlong wika ang Alim: Tuwali, Keley-i, at Yattuka--80% sa mga wikang ito ang hindi na nagagamit sa kasalukuyan. Mahalaga ang pagkakalathala sa Alim sa preserbasyon at dokumentasyon sa mga wikang taglay nito ER -