@book{6984,
	author = {Maquiso, Elena G.},
	title = {Ulahingan :},
	publisher = {National Commission for Culture and the Arts,},
	year = {c2020},
	address = {Manila :},
	note = {Ang aklat na ito ay bunga ng proyektong pananaliksik ni Dr. Elena G. Maquiso na nagsimula taong 1963. Nakapaglathala ng limang aklat ang proyektong pananaliksik (1977, 1990, 1992, 1993, at 1994) samantalang ang ikaanim na aklat ay hindi natuloy sa imprenta dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ni Dr. Maquiso noong 1995. Natagpuan ang manuskrito ni Dr. Earl Jude Paul L. Cleope, Vice President for Academic Affairs ng Silliman University taong 2003. Sa orihinal na manuskrito, isinaayos ang salin sa Ingles ni Rhoda Montes ni Edith L. Tiempo, Pambansang Alagad ng Sining at muli namang isinaayos ni Dr. Cleope (2003-2010). Sa bagong bersiyon na ito, nagdagdag ng salin sa wikang Filipino. Makalipas ang 25 taon, ibinibigay na sa publiko ang Ulahingan, epikong-bayan ng mga Livunganen-Arumanen Manobo na naninirahan sa Hilagang Cotabato, Mindanao.

Ang epikong-bayan na ito ay isang kepu'unpu'un, na nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ni Agyu at kaniyang lipi upang marating ang Nelandangan o Paraiso na may pamagat na "Pagkaalipin tungo sa Paglaya," na inawit ng tala'ulahingan o mang-aawit ng epikong-bayan na si G. Jose Silay noong 1988.

Bukod sa teksto ng kepu'unpu'un isinama rin sa aklat ang talambuhay ni Dr. Maquiso bilang pagkilala sa kaniyang ambag sa pananaliksik at pag-aaral sa epikong-bayan na Ulahingan.}
}
